Retired SPO3 Arthur Lascanas, posibleng makasuhan ng Perjury

29

MANILA, PHILIPPINES – Posibleng makasuhan ng perjury si dating SPO3 Arthur Lascañas.

 

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ito ay dahil sa pabago-bago niyang testimonya.

 

Sinabi naman ni Sen. Richard Gordon, chairman ng committee on justice and human rights ng senado, na  mahirap nang paniwalaan ang mga isiniwalat ni Lascañas dahil nauna na niyang itinanggi sa nakaraang mga pagdinig na miyembro siya ng Davao Death Squad nang pinangalanan siya ni Edgar Matobato .

 

Giit ni Gordon, isang palaisipan ang pag-amin ni Lascañas dahil lumabas lamang ito kasabay ng inaasahang paglabas rin ng warrant of arrest para arestuhin si Sen. Leila De Lima.



Facebook Comments