Spo3 Ricky Sta. Isabel, Humiling Na Ibalik Siya Sa Kustodiya Ng Nbi

3

MANILA – Humiling si SPO3 Ricky Sta. Isabel na ibalik siya sa kustodiya ng NBI dahil sa pangamba sa kanyang buhay.Si Sta.Isabel ang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.Ayon kay SPO3 Sta. Isabel – natatakot siya para sa kaniyang buhay ngayong nasa kamay siya ng PNP.Bukod dito, nakakatanggap din siya ng banta sa kanyang buhay.Iginiit ni SPO3 Sta. Isabel – hindi lang siya ang sangkot sa krimen dahil may ilan pang matataas na opisyal ng pulisya ang sangkot dito.Nakatakdang dinggin ng korte sa Pampanga bukas (Enero 27) ang kaniyang mosyon, habang ang arraignment naman sa kaniya ay gaganapin sa Lunes.Nabatid na mula sa kustodiya ng NBI ay inilipat na siya sa pnp matapos maglabas ng arrest warrant ang Angeles City, Pampanga regional trial court branch 58 laban sa kaniya

Facebook Comments