Spokesperson Roque, nagpasalamat sa mga sumuporta at naniwala sa kaniya kahit pa bigo itong makakuha ng pwesto sa ILC

Malungkot man pero nagpapasalamat pa rin si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa mga sumuporta at nagtiwala sa kaniya sa kaniyang nominasyon sa International Law Commission (ILC).

Ayon kay Roque, napaka-challenging ng kandidatura niya sa ILC.

Kasunod nito, nagpapasalamat ang kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyiang nominasyon at sa walang sawang suporta, gayundin sa Department of Foreign Affairs (DFA), mga opisyal at staff ng Philippines’ Permanent Mission to the United Nations, para sa kanilang professionalism at support.


Nagpasalamat din ito sa kaniyang staff na umagapay sa kaniya para maipagpatuloy ang tungkulin bilang presidential spokesperson noong siya pa ay nangangampanya sa posisyon sa ILC.

Umaasa ito na matatalakay ng mga bagong miyembro ng ILC ang challenging issues tulad ng vaccine equality at maraming iba pa.

Si Roque ay nakakuha lamang ng 87 boto mula sa 191 myembro ng ILC.

Matatandaang inulan ng batikos ang nominasyon ni Roque sa ILC dahil naging kasangkapan o kabahagi umano ito ng Duterte administration sa brutal at madugong war on drugs, at umano’y human rights abuses.

Facebook Comments