Iba pang negosyo, ikinokonsiderang mabuksan na ng DTI

Masusing pinag-aaralan sa ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na maisama na mabuksan na rin ang iba pang personal care services sa ilalim ng Alert Level 4 sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na kabilang dito ang massage at aesthetic center.

Sa ngayon kasi tanging salon, barbershops at nail spa ang pinapayagang makapag-operate nang hanggang 30% basta’t fully vaccinated ang mga customer gayundin sa mga restaurant.


Kinakailangan lamang ani Lopez na nakatatalima ang mga ito sa health and safety protocols at pagkakaroon ng safety seal.

Ang hindi pa lamang talaga maaari sa ngayon na mabuksan ay ang arcade at mga sinehan na kabilang sa 3Cs activities o Closed, Crowded at Close Contact.

Facebook Comments