Sports at benepisyo sa mga atletang Pinoy, inaasahang maisama sa SONA ng pangulo

Hiniling ni Pwersa ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles na maisama sana ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ang mga plano nito sa pagpapalakas ng sports sa bansa at mga benepisyo sa mga Filipino athletes.

Umaasa si Nograles na mabanggit at maisama ni Marcos sa kanyang talumpati ang mga programa na magbibigay ng mas maraming proteksyon sa ating mga atleta na kumakatawan sa ating bansa.

Isa sa mga isusulong ng kongresista para sa 19th Congress ang panukala na magbibigay benepisyo sa mga atleta mula training hanggang retirement.


Bahagi nito ang owtomatikong pagkakabilang sa Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Pag-IBIG Fund.

Sa ngayon ay patuloy pa aniya siyang nakikipagdayalogo sa mga grupo para sa pagbuo ng naturang panukala.

Facebook Comments