CAAP, nagdeklara ng No Fly Zone sa Batasan Complex kaugnay ng SONA ni PBBM sa Lunes

34

Nagdeklara ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng No Fly Zone sa Batasan Complex sa Quezon City.

Ito ay epektibo bukas, July 23 hanggang sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., sa Lunes, July 25.

Nag-isyu rin ang Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng nasabing restriction.


Suspendido rin ang training flights ng flying schools sa Luzon sa nasabing petsa.

Nag-abiso rin ang CAAP na magkakaroon ng delay sa arrival at departure ng flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Facebook Comments