SPORTS NEWS | Atleta ng Pangasinan na sasabak sa Batang Pinoy Finals Handa na!

Handa ng sumabak ang 167 na atleta ng Pangasinan sa Batang Pinoy National Finals na magaganap sa Baguio City sa ika-17 ng Setyembre. Ayon kay Provincial Sports Development and Management Council (PSDMC) Executive Officer Modesto Operania ito ay kampante na magpapakita ng magandang laban ang Team Pangasinan sa naturang kompetisyon.

Kasama ng 167 na atleta ang 54 na trainer-coaches. Sumabak sa 16 na araw in house training ang mga atleta sa Narciso Ramos Sports and Civic Center. 18 sporting events ang sasalihan ng Team Pangasinan ang archery, Arnis, Athletics, Basketball, Boxing, Chess, Karatedo, Sepak Takraw, swimming, Table Tennis, Taekwando, Tennis, Volleyball, Cycling, Wrestling, Wushu, Futsal, at Gymnastics.

Ang nasabing kompetisyon ay nakansela dahil sa bagyong Ompong na gaganapin sana ngayong September 15 hanggang 21. Bagkus inilipat ang petsa ng pagbubukas ng nasabing sports event sa darating na September 17. Nangako naman ang Philippine Sports Commission at Lungsod na Baguio sa kaligatasan ng mga atleta lalahok.


Facebook Comments