Magsasagawa na ng regular na inspection ang Civil Service Commission sa mga National GovernmentAgencies at Local Government Units sa buong bansa para tingnan ang pamamahala sa pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno.
Mismong si CSC Commissioner Aileen Lizada ang magsasagawa ng spot checks o surprised inspection
Gagawin niya ang pagbisita anumang oras at araw ng hindi alam ng mga government workers para ipaalam na minomonitor ang kanilang trabaho ng CSC.
Dahil dito, pinaalalahanan niya ang mga government workers na hindi dapat gamitin ang oras ng trabaho sa paglalaro ng computer o mobile games at social media.
Ang spot check aniya ay isang paraan din ng CSC para ma determina kung ang mga binuong human resource policies ay naipapatupad ng maayos lalo na sa probisyon ng frontline services.
Sa isinagawang spot check sa Naval municipal govt sa Biliran kamakailan tatlong empleyado ang nahuling naglalaro ng mobile games o nanunuod ng videos sa kanilang celphones.
Sinabi pa ni commissioner Lizada , maaari silang kasuhan at masususpendi ng anim na buwan hanggang isang taon sa unang offense at dismissal naman sa serbisyo sa ikalawang pagkakataon.