Hindi inirerekomenda ng department of health ang pagsasagawa ng misting o spraying operations kaugnay ng pagpuksa sa COVID-19.
Anila, wala pang ebidensyang sumusuporta na namamatay ang virus sa pagsasagawa ng malawakang misting o spraying operations na may halong disinfectant.
Imbes na napatay ang virus, mas pinalalawak pa nito ang pagkalat ng virus habang isinasagawa ang spraying operation.
Posibleng ring magresulta ito ng skin irritation kapag dumampi sa balat ang mga disinfectant na ginamit dahil sa mga kemikal na nakahalo rito.
Nagdudulot din ito umano ng polusyon sa kapaligaran bunsod pa rin ng nakakalasong kemikal na nakahalo sa misting operation.
Mas mainam pa rin na punasan ang sahig na may halong disinfectant upang mapatay ang virus.
Facebook Comments