Kaso ng mga Pilipinong may COVID-19 sa ibang bansa, patuloy na dumarami

150

Umakyat na sa 637 ang kabuuang bilang ng mga pilipinong may COVID-19 sa ibang bansa ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nadagdagan naman ng panibagong 11 kaso ng patay kung kaya’t pumalo na sa 79 ang kabuuang bilang ng namatay sa nasabing sakit.


Umakyat naman sa 172 ang gumaling o nai-discharge na at 383 naman ang nagpapatuloy na nagpapagaling sa mga pagamutan.

Samantala, umabot na sa 39 ang bansa na may naitalang kaso ng PILIPINO na may COVID-19.

Facebook Comments