Planong i-donate ng pamahalaan sa Southeast Asian at African countries ang Sputnik at Moderna COVID-19 vaccines na malapit ng masira o ma-expire.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje, posibleng ituloy ng pamahalaan ang donasyon dahil marami pang stock ng naturang bakuna ang bansa at may preference rin na vaccine brand ang publiko.
Tiniyak din ni Cabotaje na madami pang supply ng bakuna ang bansa na hindi pa aabutin ng dalawang buwan ang expiration date kung kaya’t ito ang iiwan sa bansa.
Kabilang sa mga bansang nais bigyan ng donasyon ng Pilipinas ay ang Myanmar at ang iba pang bansa sa Africa.
Facebook Comments