‘Sputnik V’ ng Russia, nagpakita ng immune response sa first vaccine trials

Nagpakita ng strong immune response ang ‘Sputnik V’ sa lahat ng indibidwal na kasali sa intial critial trials sa Russia.

Ito ay base sa inilabas na datos ng mga eksperto patungkol sa bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa kabila nito, kailangan pa rin busisiin nang mabuti ang gamot para siguraduhin na magiging epektibo ito sa pag-iwas sa kumakalat na sakit.


Nakasaad din sa report na dumoble ang level ng antibodies sa 76 participants na dumaan sa bakuna kumpara sa mga nagpapagaling na COVID-19 patients.

Una nang inutos ni Russian President Vladimir Putin na unahing bigyan ng ‘Sputnik V’ ang mga medical worker ng nasabing bansa simula ngayong buwan bilang parte ng mass roll-out na pinaplano nito sa susunod na taon.

Facebook Comments