Top 1 at 7 Most Wanted Person sa Isabela, Arestado

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang Top most wanted person sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station sa bisa ng warrant of arrest ang itinuturing na Top 1 Most wanted sa Isabela na kinilalang si Andres Navarro, 19 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Bangag, City of Ilagan, Isabela.

Si Navarro ay nahaharap sa kasong apat (4) na beses na panggagahasa kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Kasalukuyang nakapiit sa Ilagan City Police Station ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Samantala, natimbog rin ng mga kasapi ng Roxas Police Station ang Top 7 most wanted sa provincial level na si Nancy Pinto, 52 taong gulang at residente ng Brgy. Munoz West, Roxas, Isabela.

Dinakip si Pinto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kaso nitong Robbery.

Dinala sa himpilan ng pulisya si Pinto para sa dokumentasyon at disposisyon.

Pansamantala itong makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang Php200,000.00.

Facebook Comments