Sputnik V vaccine ng Russia, 95% na epektibo

‘95% effective’

Ito ang lumabas sa ikalawang interim analysis ng clinical trial data para sa coronavirus vaccine ng Russia na Sputnik V.

Ayon kay Gamaleya Research Center Director Alexander Gintsburg, ang datos sa bisa ng bakuna ay batay sa preliminary data na nalikom 42-araw pagkatapos ang first dose.


Sa loob ng 28 araw pagkatapos ng first dose, nakitang 91.4% na epektibo ang bakuna base sa 39 na kaso.

Pagkatapos naman ng 42 araw, dito na umabot sa 95% ang efficacy ng vaccine.

Nasa 22,000 volunteers ang nabakunahan sa unang dose at higit 19,000 sa pangalawang dose.

Ang two-dose vaccine ay magiging available sa international markets sa halagang $10 o ₱481 kada dose.

Magiging libre naman ito sa lahat ng Russian Citizens.

Maaaring ilagay ang bakuna sa isang storage facility na may temperaturang nasa 2 hanggang 8 degrees Celcius.

Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta na maaaring simulan ng Russia ang production nito ng kanilag COVID vaccines sa Enero ng susunod na taon kung handa na ang bansa na tanggapin ito.

Nabatid na plano ng Pilipinas na bumili ng initial na 50 million doses ng COVID-19 vaccines sa susunod na taon at ipaprayoridad sa mga mahihirap, security forces at frontline workers.

Facebook Comments