Spy at revolutionary tax collector ng NPA sa Southern Tagalog patay sa shootout sa Baras, Rizal

Patay ang limang miyembro ng New Peoples Army Southern Tagalog kabilang na ang kanilang spy at revolutionary tax collector sa naganap na shootout kaninang pasado alas-2:00 ng madaling araw sa Brgy. San Juan, Baras, Rizal.

Ayon kay 2nd Infantry Division Spokesperson Captain Jayrald Ternio, isisilbi lang sana nang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang warrant of arrest laban sa isang Antonio Cule alyas Dad ang pinuno ng Finance Staff and Execom member ng SRMA4A dahil sa kasong murder.

Pero agad silang pinagbabaril ng mga NPA kaya nagkaroon ng shootout na ikinasawi ng limang NPA.


Kinilala ang dalawa sa limang nasawi sa alyas na Sandra, asawa ni alyas Luis, Secretary ng Guerilla Front Cesar ay revolutionary tax collector at alyas Onli ang Intelligence Officer.

Sa ngayon pinaghahanap pa ng tropa ng militar si alyas Dad na target ng warrant of arrest.

Nakuha sa pinangyarihan ng shootout ang ilang mga armas.

Facebook Comments