Spy ship ng China, namataan sa Australian coast

Australia – Isang Chinese spy ship ang namataan sa Australian Coast, malapit sa pinagdarausan ng joint war games ng U.S., New Zealand at Australian Militaries.

Ayon sa Australian Defense Force, nakita ang Dongdiao-Class Auxiliary general intelligence vessel ng China sa Northeast Coast habang isinasagawa ang talisman sabre war games.

Nasa labas ito ng Australian territorial waters pero pasok naman sa exclusive economic zone ng nasabing bansa.


Inirerespeto naman daw ng Australia ang karapatan ng bawat bansa sa malayang paglalayag sa mga karagatan basta’t walang nalalabag na international law.

Wala pang pahayag ang China sa dahilan ng paglalayag nila sa karagatang sakop ng Australia.

Facebook Comments