Dapat na maipamahagi ‘on time’ ang Special Risk Allowance (SRA) sa mga health workers sa harap ng bantang mass resignation ng mga ito dahil sa stress at banta sa kalusugan ngayong pandemya.
Ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, pagod na ang mga health workers at maski sila ay nahahawaan ng COVID-19 habang nag-aalaga ng kanilang mga pasyente.
Bagama’t may ilan ang nananatiling committed sa trabaho, hinimok ni Solante ang gobyerno na ibigay ang kinakailangang suporta ng mga health workers sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso sa mga ospital.
Matatandaang sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa karagdagang P888 million SRA ang nakatakda nitong ipamahagi sa mahigit 90,000 health workers.
Noong nakaraang linggo, nagkasa ng malawakang kilos-protesta ang mga health workers sa harapan ng DOH Centra Office sa Maynila para ipanawagan ang paglalabas ng kanilang mga benepisyo.