SRA, pinapabuwag ng isang kongresista

Inihain ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang House Bill 5081 na nagsusulong ng pagbuwag sa Sugar Regulatory Administration o SRA na binuo sa ilalim ng Executive Order no. 18.

Sa ilalim ng panukala ay ililipat sa Department of Agriculture (DA) ang kapangyarihan at tungkulin ng SRA pati mga record at dokumento kaugnay sa regulasyon ng sugar industry.

Basehan ng hakbang ni Abante, ang aniya’y “incompetence” at katiwalian sa SRA na wala din umanong naibigay na anumang solusyon sa nakaambang “food crisis” na dulot din ng “problemadong sugar industry.


Para kay Abante, ang SRA rin ang siyang problema sa isyu ng sektor ng asukal sa ating bansa.

Ang panukala ni Abante ay kasunod ng mga isyu laban sa SRA, tulad ng Sugar Order no. 4 para sa importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal, na batay sa Palasyo ay “ilegal” at hindi otorisado ni Pangulong Bongbong Marcos.

Facebook Comments