Suplay ng baboy at manok, sapat ngayong holiday season ayon sa DA

117

Hindi kukulangin ng suplay ng baboy at manok sa holiday season.

Siniguro ito ni Department of Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa harap ng hiling ng meat importers na mag-import muli ng karne upang masiguro na may sapat na suplay sa susunod na taon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Panganiban na sa ngayon may suplay pa ng karne ng baboy para sa 61 araw.


Kung tutuusin aniya, mas mataas pa nga ang produksyon sa katapusan ng taong ito, kumpara noong isang taon sa parehong panahon.

Sa suplay naman aniya ng manok ay may sobra o surplus para sa buong taon.

Sa 3rd at 4th quarter aniya ng taong ito ay mayroon pang sapat na suplay ng manok o para sa 40 araw.



Facebook Comments