Sri Lanka Police Chief, nagmatigas na magbitiw kasunod ng suicide bombing

Nanindigan si Sri Lanka Police Inspector General Pujith Jayasundara na hindi siya magbibitiw ng pwesto matapos ang nangyaring suicide bomb attacks sa nasabing lugar.

 

Hiniling ni President Maithripala Sirisena ang pagbibitiw sa pwesto ni Jayasundara matapos ang kasong suicide bombings na ikinamatay ng mahigit 250 katao sa na sumabog sa isang simbahan at hotel.

 

Sa ilalim ng saligang batas ng Sri Lanka, tanging mga miyembro lamang ng parliament ang maaaring makapagpatanggal sa pwesto ng police chief.


 

Nauna ng nagbitiw sa pwesto si Defense Sec. Hemesiri Fernando.

 

Sa ngayon ay pinagiisipan pa raw ni Jayasundra ang posibilidad na sumunod sa kalihim.

Facebook Comments