Sri Lankan Pres, gagayahin din ang war on drugs ng bansa – PRRD

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na nangako si Sri Lankan President Maithripala Sirisena na gagayahin ang kanyang giyera kontra droga.

Matatandaang bumisita sa Pilipinas si Sirisena nitong Enero kung saan pinuri nito ang kampanya kontra droga ng Duterte administration.

Sa kanyang talumpati sa 9th Anniversary ng MinDA at ng 25th Anniversary ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), sinabi ni Duterte na patuloy na lumalawak ang operasyon ng Sinaloa Drug Cartel mula Mexico at ang Golden Triangle Group sa Asya.


Aniya, sinabi sa kanya ni Sirisena na gagamit siya ng dahas at pagpapatayin ang mga sangkot sa ilegal na droga.

Tinuligsa rin ng Pangulo ang mga bumabatikos sa kanyang war on drugs.

Aniya, maraming pamilya ang naghihirap at nagdudusa dahil sa problema ng droga.

Noong nakaraang taon, inanunsyo ni Sirisena na plano niya atasan ang kanilang militar para sugpuin ang problema nila sa droga.

Facebook Comments