Manila, Philippines – Magkakaroon ng one-on-one meeting mamaya sa Malacañang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sri Lankan President Maithripala Sirisena.
Alas-10:15 kagabi nang dumating ang Sri Lankan leader sa NAIA Terminal 3 para sa kanyang limang araw na state visit.
Sinalubong siya ng ilang opisyal ng gobyerno kabilang sina Trade Secretary Ramon Lopez, MIAA General Manager Ed Monreal, mga opisyal ng AFP at ilang opisyal ng embahada ng Sri Lanka sa Pilipinas.
Kabilang sa mga pag-uusapan sa kanilang bilateral meeting ay ang usapin sa mutual interest gaya ng political, economic, agriculture, cultural at people-to-people engagement.
Bukod dito, bibisitahin din ni Sirisena ang Asian Development Bank (ADB) at ang International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna.
Makikipagkita rin si Sirisena sa Sri Lankan community sa Manila.