SRP, dapat ipatupad sa mga protective face masks – DTI

Humirit ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Department of Health (DOH) na maglabas ng suggested retail price o SRP sa protective face masks.

Ito ay kasunod ng pananamantala ng ilang tindahan sa pagbebenta ng mataas na presyo ng N95 face masks na ginagamit na proteksyon sa ash fall mula sa Bulkang Taal.

Ayon kay DOH Undersecretary Ruth Castelo – nalaman nilang nagmahal ang face mask dahil mataas na itong ibinebenta mula sa middleman.


Pero aminado si Castelo na palaging problema ang supply at presyo ng face mask tuwing nagkakaroon ng epidemya o sakuna.

Nagbabala si Castelo na papatawan ng notice of violation ang mga tindahang nananamantala.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtakda ng price cap para rito.

Facebook Comments