Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi dapat lalagpas sa itinakdang Suggested Retail Price o SRP ang presyo ng manok.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng manok sa ilang pamilihan.
Paliwanag ni Bong Inciong, presidente ng United Broiler-Raisers Association – kaunti ang supply ng manok dahil maraming producers ang nagtigil sa pag-aalaga ng manok matapos malugi sa imported na manok sa bansa.
Dagdag pa aniya rito ang pagkalugi dahil sa hirap na pag-aalaga sa manok.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo – hindi dapat lalagpas sa ₱155 kada kilo ang retail price ng manok ngayon.
Patuloy na magbabantay ang DTI para pagpaliwanagin ang mga retailers na sobra-sobra ang presyo.
Facebook Comments