SSgt natagpuang patay sa compound ng 6th ID

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP at mga opisyales ng 6th ID sa kaso ng isang Army SSgt . na natagpuang patay habang sakay ng KM250 Truck sa compound ng Kampilan Division.

Sinasabing wala ng buhay at wasak na ang bungo ni SSgt. Alexander Baluitan Jr. ng 1st Mech Battalion na makita ng mga nagrespondeng military at army pasado alas dyes noong lunes ng gabi sa panayam kay DOS COP CIns Lendsy Sinsuat.

Natagpuan sa tabi ng bangkay ang dalawang m16 armalite rifle kabilang na ang issued firearm ng biktima. Nagtamo ng tama ng bala mula sa m16 sa kanyang ulo si Baluitan.


Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang liderato ng 6th ID sa sinapit ng kanilang elemento.

Facebook Comments