SSS, binalaan ang kanilang pensioners na iwasang manghiram sa mga loan sharks

Nagbabala ang Social Security System (SSS) sa kanilang pensioners na iwasan ang manghiram ng pera sa loan sharks o mga indibidwal na nagpapautang na may mataas na interest rates.

Ayon sa SSS, mas mababa ang kanilang interest rate na aabot lamang sa 10% kada taon.

Batay sa datos ng SSS, aabot sa P1.47 billion ang pension loan ang naibigay sa kanilang 33,007 retiree-pensioners nitong ikalawang kwarter ng taon.


Sa ilalim ng Pension Loan Program (PLP) ng SSS, maaaring humiram ang isang retiradong pensioner ng loan na maaaring umabot hanggang sa 12 na beses ng kanilang basic monthly pension (BMP).

Facebook Comments