Ipapatupad na sa Abril a-uno ang dagdag kontribusyon sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Ayon sa SSS, itataas sa 12 percent mula sa kasalukuyang 11 percent ang buwanang contribution rate ng mga miyembro.
Tataas din ng hanggang dalawang libong piso ang minimum na Monthly Salary Credit (MSC) habang ang maximum ay hanggang dalawampung libong piso.
Maliban dito, may dagdag singil rin sa minimum SSS monthly contribution ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa P960 mula sa kasalukuyang 550.
Ang pagtaas sa contribution rate na inaprubahan ng SSS governing board noong Marso 13, ay mandato sa ilalim ng new charter na layong mapalawig ang fund life ng SSS.
Facebook Comments