Ipinaalala ngayon ng Social Security System (SSS) na hanggang September 6, 2019 na lamang ang deadline ng pagkuha ng condonation program.
Sa ilalim ng naturang programa, hindi na sisingilin ng SSS ng penalty ang mga empleyor na hindi nagbayad para sa kanilang mga empleyado at magbabayad na lamang sila ng mga unpaid premiums.
Ayon naman kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, noong buwan ng Hulyo. Nasa P795 milyon ng hindi nabayarang premiums ang kanilang nakolekta na nagmula sa higit 30,000 employers o halos katumbas ng mahigit 300,000 na trabahador.
Umabot din sa P1. 67 bilyong halaga ng mults ang na-condone ng SSS habang nasa 70 porsyento ng mga delinquent employers ang hindi pa nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Facebook Comments