SSS, magsasagawa ng RACE sa mga pitong mga employer sa Las Piñas City

Magsasagawa ngayon ang Social Security System o SSS ng tinatawag na Run After Contribution Evaders o RACE kung saan pinakiusapan ang mga employer na magbayad na ng mga kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ayon kay SSS Executive Vice President Branch Operation Sector Judge Voltaire Agas na hindi naman umano ginigipit ang employers dahil nararamdaman nila ang nararanasan ng mga employer na lubhang naapektuhan ng pandemya kayat isinusulong ng SSS ang tinatawag na RACE upang makapag-avail naman ng pitong benepisyo ang kanilang mga miyembro gaya ng maternity, sickness, disabilities, death, funeral, unemployment at retirement.

Paliwanag ni Voltaire na mahalaga na makatugon ang mga employer sa kanilang panawagan na tumalima sila sa kanilang iniaalok na programa na RACE kung saan umaabot na sa 36 na RACE na accomplishment sa National Capital Region (NCR) at target na 40 ang kanilang ma-accomplish.


Dagdag pa ni Voltaire na pito muna na mga kompanya ang kanilang bibisitahin upang pakiusapan na magbayad na sila ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado upang makapag-avail naman ng mga benipisyo ang sa kanilang mga empleyado.

Binigyang diin ni Voltaire na ang mga hulog ng mga employer ay magbibigay ng magandang kinabukasan ng kanilang mga empleyado at sila ay mabibigyan na pension.

Facebook Comments