SUPPLY NG DUGO SA ISABELA, SAPAT AYON SA PHILIPPINE RED CROSS

29
Cauayan City, Isabela- Sapat pa rin ang supply ng dugo dito sa Lalawigan ng Isabela ayon kay PRC Head Administrator Josie Stephany Cabrera.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PRC Head Cabrera, walang problema sa supply ngayon ng dugo dito sa probinsya dahil sa kanilang patuloy na isinasagawang bloodletting activity.

Sinabi nito na umaabot sa tatlo hanggang apat na beses kada buwan ang kanilang bloodletting drive para matiyak na sapat ang tustos ng dugo sa Isabela.

Iniimbak ang mga nalilikom na bags ng dugo sa blood bank ng PRC Isabela na nakahandaNG maibigay sa mga mangangailangan nito.

Bukas din ang linya ng tanggapan na 0917-522-6229 para sa sinumang makikipag-ugnayan at mangangailang ng kaukulang dugo.

Dagdag pa ni Cabrera na kanyang titiyakin na lahat ng mga hihingi ng tulong sa kanilang tanggapan ay mayroong makukuhang dugo.



Samantala, magkakaroon muli ng bloodletting activity ang PRC Isabela katuwang ang LGU Cauayan na gaganapin sa FLDy Coliseum sa ikatatlumpu ng Setyembre taong kasalukuyan.

Facebook Comments