Manila, Philippines – Nanawagan ang Social Security System (SSS) sa mga employer na hindi naghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay SSS CEO and President Aurora Cruz Ignacio – ang mga hindi tutugon na employer ay maaaring maharap sa kaso at posibleng patawan ng penalty dahil ito ay isang criminal liability.
Maaari ring makulong ng anim hanggang 12 taon ang mga employer na hindi tutupad sa batas.
Sinabi ni Ignacio na marami pa rin ang hindi sumusunod sa condonation program ng SSS.
Facebook Comments