SSS, nagbabala sa publiko laban sa online scam

Binalaan ng Social Security System (SSS) ang publiko laban sa online scam.

Partikular na pinag-iingat ang publiko sa mga nagpapakilalang empleyado ng SSS at nag-aalok ng link para sa updated na SSS mobile app.

Ayon sa SSS, hindi tatawagan o magpapadala ng mensahe ang kanilang mga empleyado para magbigay ng updated na My.SSS account o SSS Mobile App.

Dagdag ng SSS, maaari lamang ma-access ang lehitimong MySSS Mobile App sa pamamagitan ng Appv Store, Google Play, at Huawei AppGallery.

Hinimok ng SSS ang mga nabiktima ng scam na ipagbigay-alam sa Philippine National Police’s Anti-Cybercrime Group at National Bureau of Investigation’s Cybercrime Division.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang SSS Special Investigation Department (SID).

Maaring i-report ang mga text scammer sa SID sa pamamagitan ng email sa fid@sss.gov.ph o telephone number na (02) 89247370.

Facebook Comments