SSS, nagkasa ng operasyon laban sa ‘Contribution Evaders’ sa Lungsod ng Parañaque

Nagsagawa ang Social Security System (SSS) ng Run After Contribution Evaders (RACE) operation o monitoring sa mga employer at establishments na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon sa Brgy. Tambo, Parañaque City ngayong araw.

12 establisyemento ang binisita ng SSS upang maisakatuparan ang kanilang programang Run After Contribution Evaders (R.A.C.E) na naglalayong maprotektahan ang karapatan ng bawat manggagawa na kasapi ng organisasyon.

Ayon kay Maria Rita Aguja, nabigo sa pag-remit ang 12 delinquent employer sa Parañauqe City ng kanilang kontribusyon sa mga empleyado na may kabuuhang P1.85 million na halaga ng hindi nabayad na kontribusyon at penalty na nakaapekto sa 66 na empleyado.


Kabilang sa mga ito ay mga restaurant o food service, telecommunications service, private, manpower maging ang ilang manufacturers.

Samantala, nagbigay rin ng notice of compliance ang SSS sa lahat ng mga establisyemento na naabutan pang nakasarado, at nagpaalala sa lahat ng mga employer na gampanan ang kanilang mga obligasyon.

Facebook Comments