SSS, nagpaalala sa mga miyembro na mag-apply ng salary loan online

Nag-abiso ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito na pwede nang mag-apply ng salary loan online.

Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio – ang salary loan ay available na sa pamamagitan ng online application sa my.sss facility

Sinabi pa ni Ignacio na lahat ng kanilang miyembro na nais mag-apply ng salary loan ay dapat nang magparehistro online.


Para sa mga self-employed, voluntary at OFW, agad ipoproseso ang loan sa oras na maisumite ang application habang ang mga employed member, ang kanilang employer ay dapat sertipikahan ang loan application.

Kapag naaprubahan ang aplikasyon para sa loan ay magpapadala agad sila ng text o email.

Sa datos ng SSS, higit 1.46 milyong miyembro nila ang nag-avail ng salary loan mula Enero hanggang Setyembre 2019.

Aabot sa P29.98 bilyong halaga ng loan ang naipamahagi sa member-borrowers sa parehong panahon.

Facebook Comments