SSS, nagsagawa ng monitoring sa mga employer at mga establisyemento na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon

Nagsagawa ang Social Security System (SSS) ng Run After Contribution Evaders (RACE) operation o monitoring sa mga employer at mga establishments na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon sa Makati City ngayong araw.

Walong establisyemento ang binisita ng SSS upang maisakatuparan ang kanilang programang Run After Contribution Evaders (R.A.C.E) na naglalayong maprotektahan ang karapatan ng bawat manggagawa na kasapi ng organisasyon.

Nabigo sa pag remit ang walong delinquent employer sa Makati City ng kanilang kontribusyon sa mga empleyado na mahigit P17.35 million na halaga ng hindi nabayad na kontribusyon at penalty na nakaapekto sa 201 na empleyado.


Kabilang sa mga ito ay mga restaurant, telecommunications service, private dental and laboratory, manpower, beauty parlor at maging ang ilang manufacturers.

Samantala, nagbigay rin ng notice of compliance ang SSS sa lahat ng mga establisyimento na naabutan pang nakasarado, at nagbigay paalala sa lahat ng mga employer na gampanan ang kanilang mga obligasyon.

Facebook Comments