Mga leader ng ilang political party sa Kamara, binati ang bagong House senior deputy speaker

Umani ng pagbati mula sa mga kasamahang mambabatas at leader ng mga political party sa Kamara si Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr., bilang bagong senior deputy speaker.

Diin ni Party-list Coalition Foundation, Inc. President at Ako Bicol Representative Zaldy Co, maasahang kaalyado ni Speaker Martin Romualdez si Gonzales sa pagsusulong ng 8-Point Socio-Economic Agenda ng Marcos administration.

Para naman kay PDP-LABAN National President at Palawan Representative Jose Alvarez, ang pagkakapili kay Gonzales bilang SDS ay nagpapakita ng pagtitiwala ng Kamara sa mga ambag nito sa Kongreso.


Sabi naman ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, tunay na maaasahan at masipag na katuwang sa Kongreso si Gonzales kasabay ng pagbibigay diin ng kanilang matibay na suporta sa pagsisikap ni Speaker Romualdez na makatulong sa pag-unlad ng bansa.

Tiniyak din ni Nacionalista Party Spokesperson at Deputy Speaker Camille Villar na sila ay mananatiling kaisa ng administrasyon ni Pangulong Marcos at isinusulong nitong pagkakaisa at maunlad na Pilipinas.

Tiwala naman si House Minority Leader at 4Ps partylist Rep Marcelino “Nonoy” Libanan at na malaking asset si Gonzales sa liderato ng Mababang Kapulungan.

 

Bukod sa pagbati kay Gonzales, ay tiniyak din nina Representatives Co, Alvarez, Barbers, Villar at Libanan ang suporta nila at kanilang mga partido sa liderato ni Speaker Romualdez.

Facebook Comments