Nakapagtala ang Social Security System ng P362.20 billion na kabuuang kita para sa taong 2023.
Mas mataas ito ng 9.5% sa kanilang revenue target para sa naturang taon na P330.80-B.
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na ito na rin ang pinakamataas na kita na nakamit ng SSS.
Kabilang sa pangunahing nakapag-ambag sa paglaki ng revenue ng kompanya ay ang pagpapaigting sa collection efforts kabilang ang delinquent employers.
Katunayan, tumaas rin ng 18.2% ang actual na koleksyon noong 2023 ng SSS na umabot sa P309.12-B.
Para sa taong 2023, nasa 1.4-M ang mga new paying member na nakaambag ng kabuuang P10.48-B kontribusyon sa SSS.
Samantala, umabot din sa P53.08-B ang nakamit na revenue ng SSS pagdating sa investment na mas mataas rin ng P16.77-B sa target ng kompanya.