PBBM, nagpaabot ng pagbati sa publiko ngayong Valentine’s Day

Nagpaabot ng pagbati sa publiko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Valentine’s Day.

Sa kanyang social media post, hiniling ng pangulo ang masayang Araw ng mga Puso para sa lahat, gayundin sa mga nagdiriwang ng pagmamahal para sa sarili o para sa iba.

Ang pagbati ay sinamahan pa ng pangulo ng litrato nila ng kanyang maybahay na si First Lady Liza Araneta Marcos.


Samantala, sa kanyang bukod na post ay nagpaabot din ng pagbati para sa Valentine’s Day si First Lady Liza, na may caption na “Love Conquers All”.

Facebook Comments