Sta. Maria Bridge sa Isabela, Palpak ayon kay Senator Marcos

Pinuna ni Senator Imee Marcos ang umano’y kapalpakan ng ilang proyektong pang-imprastraktura na ginawa sa lalawigan ng Isabela.

Pahayag ito ng senadora sa kanyang pagbisita kahapon, Nobyembre 27, 2022 sa Ramon, Isabela para magpamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) <www.dswd.gov.ph/aics/>.

Ayon sa kanya, makalipas ang pitong (7) taon ay hindi pa rin napapakinabangan ng mga motorista ang tulay na nagkokonekta sa Cabagan-Sta. Maria.

Dapat lang aniya na papanagutin ang sinumang nasa likod ng proyekto at kung bakit pinondohan ang pagpapagawa nito.

Kumpiyansa naman ang senadora na sa susunod na taon, ay mapapakinabangan na ang naturang tulay ng mga mamamayan.

Samantala, tiniyak nito na bubuhos ang tulong sa lahat ng mamamayan sa buong bansa.

Facebook Comments