SAMPAGUITA FLAVORED ICE CREAM SA BAYAN NG MANAOAG, KINAGIGILIWAN

Isa ka ba sa mahilig sa sorbetes? Tikman na ang ipinagmamalaking Sampaguita flavored ice cream sa Bayan ng Manaoag.
Sa taong 1995 nagsimulang gumawa ng sorbetes si Delma Sampaga.
Mula sa karaniwang keso at ube flavor, naisipan nitong i-upgrade at subukang gumawa ng sampaguita flavor.

Kinagigiliwan ng ilang Pangasinense ang kakaibang sorbetes na ito, bukod sa malasa, mabango rin ito sapagkat gawa ito sa sampaguita.
Matatandaan na ang sampaguita ay ang ating pambansang bulaklak, kung kaya’t kasabay ng inyong pagbisita sa Manaoag Church, inyo ng tikman ang ibinibidang sampaguita flavored ice cream ng mga taga-Manaoag. |ifmnews
Facebook Comments