STABBING INCIDENT | Ombudsman Conchita Carpio-Morales, pinuri ang PNP sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Assistant Prosecutor Madonna Tanyag

Manila, Philippines – Pinuri ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang Philippine National Police (PNP) sa mabilis na pag-aresto sa suspek na pumatay kay Assistant Special Prosecutor Atty. Madonna Joy Tanyag.

Ayon kay Morales, dahil sa pagtutok ng mga pulis sa krimen ay agad na naresolba ang kaso at nahuli ang suspek na si Angelito Avenido Jr.

Kasabay nito, humiling si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chief Dante Jimenez ng mas malalim na imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Tanyag.


Sabi naman ni Quezon City Police District Director Senior Superintendent Joselito Esquivel, bagaman cased closed na ang kaso ni Tanyag, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

Nabatid ilan sa mga kasong hawak ni Tanyag ay ang malampaya fund case nina dating Cabinet Secretaries Rolando Andaya, Nasser Pangandaman at graft case ni dating Iloilo Representative Judy Syjuco.

Hawak rin niya ang kaso ng pamilya Binay at ni dating Caloocan Mayor Enrico Echiverri.

Facebook Comments