Stabbing incident sa Bilibid, posibleng konektado sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Naniniwala si Senate President Tito Sotto III na posibleng konektado sa isinasagawang pagdinig ng Senado ukol sa mga katiwalian sa New Bilibid Prison (NBP) ang ginawang pagsaksak ng isang inmate sa isang prison guard kahapon.

Sabi ni Sotto, ang biktima ay ama ng isang miyembro ng Office of the Senate Sergeant at Arms.

Nangyari ang insidente kahapon bago ang pagpapatuloy ng hearing ng Senado ukol sa kontrobersyal na bentahan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at hospital pass at iba pang mga raket sa Bilibid.


Bunsod nito ay pinapakilos ni Sotto ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Facebook Comments