Staff at trainers ni Pacman, naghigpit ng seguridad sa mga training session nito

136

Naghigpit ng seguridad ang buong staff ni pambansang kamao Manny Pacquiao sa ginagawa nitong training sa Wild Card Gym.

Ito ay para hindi daw mahawa sa anumang sakit si Manny lalo na at sobrang lamig ng temperatura sa Los Angeles, California.

Una na din sinabi ni Nonito Donaire Sr., na maganda na ang takbo ng training ni Pacman kung saan nagja-jogging ito sa umaga at sparring session naman sa hapon.

Bukod dito, gumagawa na din ang team Pacquiao ng mga strategy at unti-unting pinag-aaralan ang mga video ng laban ni Adrien Broner na makakaharap ni Manny sa January 19, 2019.

Facebook Comments