U.S. naglabas ng travel warning sa China

264

Naglabas ngayon ng travel warning ang US sa kanilang kababayan na nagtutungo sa China.

Sinabi ng US state department na hindi makatuwiran ang China sa pagpapatupad ng mga lokal na batas.

Nabatid kasi na nakulong ang dalawang Canadians sa China noong nakaraang buwan matapos na maaresto ang chief financial officer ng Huawei technologies na si Meng Wanzhou noong Disyembre 1 sa Vancouver.

Wala pa naman inilalabas na pahayag ang China kaugnay sa inilabas na abiso ng Amerika.

Facebook Comments