Kumpyansa si Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na tapos na ang bansa sa yugto ng “stagflation” o ang mabagal na paglago ng ekonomiya at mataas na unemployment rate.
Ayon kay Salceda, hindi malabo ang Gross Domestic Product o GDP growth target ng economic managers na 5% hanggang 6% sa katapusan ng 2021.
Tiwala ang mambabatas na kung walang matinding magaganap sa final quarter ng 2021 ay nakatitiyak siya na maaabot ng bansa ang target na annual growth ngayong taon.
Aniya, mas nagiging posible ang muling pag-unlad dahil sa pagbubukas ng ekonomiya at mas lumiliwanag ang economic prospects ng bansa.
Tinukoy rin ng mambabatas ang ilang factors tulad ng bumababang kaso ng COVID-19, pinabilis na bakunahan, at ilang adjustments sa mga trabaho at negosyo na indikasyon na handa na ang ekonomiya.
Dahil dito, nakasisiguro ang Albay representative na sa 2022 at 2023 ay hindi na magiging stagnant ang ekonomiya ng Pilipinas.