Star City, magbubukas na sa Pebrero 24

Magbubukas na muli ang amusement park na Star City sa publiko ngayong darating na Pebrero 24.

Base ito sa kanilang latest Facebook kung saan ayon sa pamunuan ng theme park ay “Ang comeback na hinihintay ng lahat.”

Matatandaang naudlot ang kanilang muling pagbubukas noong Enero bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant.


Bukas ang Star City tuwing Huwebes hanggang Linggo mula 12 ng tanghali hanggang 8 ng gabi.

Maaaring makabili ng ticket passes sa kanilang website o sa mga Star City ticket booths.

Facebook Comments