PBA fans, pwede na ulit manuod nang live sa Araneta simula sa Feb. 16

Papayagan na ulit ang live audience sa mga laro ng Phlippine Basketball Association (PBA) simula sa Miyerkules, Pebrero 16.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ito ay matapos na mabakunahan na kontra COVID-19 ang lahat ng mga manlalaro ng liga habang 95% na rin ang nakatanggap na ng booster shots.

Bukod dito, patuloy din ang pababa ng mga kaso ng COVID-19, partikular sa NCR.


Dahil dito, simula bukas, February 13 ay pwede nang magpa-reserve ng ticket ang mga fans na nais manuod nang live sa Araneta Coliseum.

Dagdag ni Marcial, nakausap na rin niya ang Araneta ukol dito na agad din namang nagbigay ng go signal para sa pagpapapasok ng mga fans sa Big Dome.

Samantala, unang maghaharap sa Miyerkules ang NLEX at Magnolia bandang alas-3:00 ng hapon at susundan ng laban ng San Miguel at TNT, alas-6:00 ng gabi.

Facebook Comments