Sinisilip ngayon ng mga awtoridad ang anggulong ‘arson’ o sadyang sinunog ang Star City sa lungsod ng Pasay, nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP), mayroon kahina-hinalang tweet na ipinakita ang ballet dancer na si Lisa Macuja, asawa ni Fred Elizalde na may-ari ng kilalang amusement park.
Nakasaad umano sa naturang tweet ang katagang “Star City will die”.
Giit ni Pasay City Marshall Superintent Paul Pili, nagtataka raw ang mga bumbero kung bakit tila sabay-sabay na nagliyab ang mga pasilidad sa loob ng pasyalan.
Lumabas naman sa paunang imbestigasyon na nagsimula ang apoy sa isang stock room.
Tinitingnan din ng BFP ang posibilidad na may problema ito sa electrical wiring.
Samantala, inihayag ni Atty. Rudolph Juralbal, tagapagsalita ng Star City, na maibabalik ang normal na operasyon ng pasilidad sa taong 2020.
Bukod sa malaking bahagi ng amusement park, kabilang din sa mga natupok ng apoy ang gusali ng Manila Broadcasting Corporation (MBC), kung saan naka-base ang opisina ng Love Radio , Yes FM, Easy Rock, DZRH, Radyo Natin.