Star Magic chairman emeritus Johnny Manahan, ipinagtanggol si John Lloyd Cruz sa viral video nito

Showbiz – Ipinagtanggol ngayon ni Johnny Manahan ang hawak na talent na si John Lloyd Cruz hinggil sa viral videos nito.

Ayon kay Manahan na kasalukuyang chairman emeritus ng Star Magic na talent-management naman ng Kapamilya Network, nais lamang daw ni John Lloyd na mag-relax at ilabas ang totoong sarili matapos ang kabi-kabilang trabaho.

Dagdag pa ni Johnny na mas kilala bilang “Mr. M’, dahil sa nasabing insidente ay siguradong natuto na sa resulta ng kaniyang ginawa ang 34-anyos na aktor at pinayuhan niya itong mag-ingat sa mga ginagawa.


Una naman nang humingi ng paumanhin si John Lloyd pero wala naman daw itong pinagsisisihan sa mga nagawa.

Facebook Comments