Gilas Pilipinas, nakapili na ng ipapalit kay Andre Blatche para sa FIBA-Asia championship cup

Sports – Nakapili na ang Gilas Pilipinas ng ipapalit kay naturalized player Andre Blatche para sa FIBA-Asia championship cup na gaganapin sa Chenzhoue, China mula September 23-30.

Ang 7’1 ft. na si Isaiah Austin ang bagong player na isasama ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na sasali sa nasabing tournament.

Huling naglaro ang 23-anyos na si Austin sa Guangxi Rhinos sa Second Division National Basketball League ng China.


Nakatakdang dumating si Austin ngayong araw para makasama na siya sa practice kung saan bukod sa kaniya kinuha din bilang reinforcement si Bright Akhuetie na kasalukuyang naglalaro sa UP Maroons matapos na lumipat mula sa Perpetual College.

Facebook Comments